So, hindi pa nakakapag-isang linggo nang matapos ang course card day, eto nanaman, road trip papuntang tagaytay. Yung road trip medyo hindi siya napagplanuhan kasi kahapon (Wed., Apr. 22, 2009) lang napagplanuhan. Nung una kong tanggap ng text message ni Chong tungkol dito, nabigla ako. Hindi ko talaga inaasahan na magkakaroon ng lakad ngayong araw. So, sinabi ko kay mama yung lakad namin na iyon, nagulat din siya, buti na lang pinayagan ako agad-agad. Medyo alanganin pa sila April at Faith, at yung iba tila parang nagsabi na lang ng kung ano anong rason para lang makasama. So ito yung mga nangyari ng araw na ito:
- Napilitang gumising ng 4:30AM
- Nagsabay kami ni labs sa LRT
- Nakisabay kami nina Faith at April sa kotse nila Ivan papuntang Blue Bay
- Sumakay kami dun nina Waki, Chong, Yao, Kevin, Ivan, Faith, April at James sa tumitirik-tirik na sasakyan nila Elson.
- So kwentuhan lang through-out the road trip papuntang Tagaytay.
- Nag-stop over sa Jollibee para kumain, pero pumunta pa kami ni Faith at Ivan sa McDonalds para bumili ng pagkain at dun kami kumain sa Jollibee (haha, pasaway), samantalang sila ay naglalaro ng 99 (yung laro sa baraha, hahaha hindi ako naglaro kasi di ako marunong magbaraha) at si Chong at Kevin may sariling mundo, naglalaro ng 2k9 sa laptop at may dala pang controller.
- Sunod nun ay sa Picnic Grove, kung saan inikot namin yung walk dun na may "hanging bridge". Nag-zipline din sila Faith, Chong, Kevin, Ivan, April at James, hahaha enjoy sila kami hinde takte, kung may pera lang sana ako ><. Sunod na yung pictorial sa table, sa may Taal Lake, puro emo pose tapos may iba pang scandal hahahaha. Ayun di kami nagbayad kasi tanga tanga yung mga tao dun, may bayad kuno. Dito rin nadevelop ang aming responsorial psalm namin pag may sinasabi si Faith hahahaa, "Let our response be: Mag-ayus ka Friend, Baboy ka, Baboy ka talaga, Baboy ka talaga kahit kailan" hahahahahahah, at yung kay Elson na "Hello? Hello? Hello? Hello? Hello? Ha? Ha? Ha? Ha? Ha?"
- Pagkatapos sa Picnic Grove, pumunta kami sa bahay nila Ivan sa Dasma. Kumain kami ng lunch dito, at ang ulam namin ay.... tanana Hipon! Ayaw ko talaga sa hipon kaya hindi ako masyado kumain hehehehe, pagkatapos kumain, nanakot naman sila James. May dumaan daw sa harap ng sasakyan na kamukha nung damit nung lola ni Ivan. LEWLS di kaya yun. Tapos dumeretso na kami papuntang Starbucks Tagaytay.
- Pagkarating sa Starbucks, umorder ako ng Green Tea Frapuccino na Tall lang, poor ako eh. Tapo yung pictorial hahaha, medyo nakakahiya lang kasi andami namin baka sabihin first time lang namin. Naglaro ulit yung iba ng 99, habang kami nagchichikahan tungkol sa S11 and the past terms hahahaha. Ayon andaming topics, simula sa first times in DLSU, usapang alak, childhood memories hahaha ayos ambilis magshift ng topic. \Nung mag 4pm na, lumabas na kami upang magpictorial once more pero mas maganda yung view ng Taal Lake at Volcano.
- Dahil 4pm na, umuwi na kami at tinuloy ang discussion sa sasakyan. Bumili ako ng pasalubong para sa mama ko, tapos ayun tuloy nanaman. Grabe laugh trip yung buong pauwi namin papuntang DLSU. Dahil sobrang jammed yung traffic, nasummarize namin yung masasayang moments ng S11 from LPEP up to the Third Term. Maraming nakakatawang moments, meron ibang serious talk, iba na lang chika, tapos yung iba, tungkol sa ibang naging classmates hahahahaha. Nung papagabi na, nagsilantaran ang mga GAYs ng S11 hahaha. Elsa (Elson), Patricia (Waki), Paulita (Kevin), Ivon (Ivaughn/ Ivan), Yaoi (Yao), Jam/Jammy (James), Chongga (Chong) at ako bilang Mikaela hahaha. Tapos ayun hahahaha sobrang laughtrip na kasi si Faith, naging official Pastora/Pastress (kung ano man babaeng version gn Pastor)dahil sa kanyang inialay na Responsorial Psalm hahahaha. Tas yun korni na nasa DLSU na, which means uwian na >< Sayang baka ito na ang huling pagkakataon sa 3 years na makikita ko si Kevin Cruz hahaha, sa Canada wag mo kami kalilimutan, best wishes for you at may God bless you and your family :)
No comments:
Post a Comment