Well, nandito ako ngayon sa Yuch lobby (o kung ano man tawag dun sa ilalim nun), bago gumawa ng Machine Problem sa OBJECTP (Object Oriented Programming in Java) gusto ko muna mag reflect :)
MP season nanaman, marami nanamang deliverables, tsaka medyo nagpipile up na yung school work, stress time na uli ngayong term. Kaya lang naman ako nakapost ulit kasi medyo nafefeel ko na nawawala na yung pag-asa na makarating ako sa goals ko ngayong term. Medyo hindi lang naman ako nakakatanggap ng tulong sa kagroup ko sa OBJECTP, nagroll out na ng specs sa COMPASM (Computer Programming in Assembly Language), may report pa sa OBJECTP, at medyo nawalan ng kahit isang drop of hope sa NTANALY (AC/DC Network Analysis) kasi sa sobrang hirap na quiz na binigay last Wednesday. Gustohin ko man na makakuha kahit 3.0 lang sa lahat ng subjects na yun, mukahng malabo kasi mahirap.
Medyo napapa-“nega” ako tuwing naiisip ko yung mga stressors ko, which causes additional stress. Pero, I’m getting help as much as I can. Sa lahat ng tumulong at patuloy na tumutulong sakin ngayon, thank you. Kung meron pa kayo mai-susuggest para maimprove yung situasyon ko ngayon, post lang kayo ng comments hahaha.
No comments:
Post a Comment