2009-04-22

Last week ng Frosh Year

Hmmm, so tapos na yung FORMDEV retreat at course card day so shall I say... I'M DEFROSHED!! Good-bye frosh year woooooooo...

So, experiences ng course card day.. masaya na medyo malungkot :( Ito yung rundown ng mga nangyari ng araw na yun.

Nung umagang pagkagising ko, medyo kinakabahan ako kasi judgment day na! The most dreaded day of every term, the Course Card Distribution Day. Hindi ko rin nasabayan sila April (Labs) sa LRT kasi pumunta yung nanay at kapatid ko sa ospital para magpa-general check-up, kaya napilitan ako mag FX papuntang school (sorry labs hindi ko nasabi sayo). Habang nandun yung FX sa Taft, tinitignan ko yung oras kung 8:20 na ba, kasi yun yung o\una kong course card. Para akong tanga kasi paulit-ulit kong tinitignan yung oras tapos traffic pa, OH NOES! suspense hahah.

Nung nasa gox na ako, una kong kinuha yung course card ko sa COMPRO2 (Advanced C Programming). Inaasahan ko na yung grade ko dito kasi nakita na namin yung final grade namin nung araw na pagkatapos ng finals. Tapos dali-dali akong pumunta sa Miguel para kuhanin yung course card ko sa TREDONE (Religion 1). Ito talaga hindi ko talagang inaasahan, kasi 4.0 nakuha ko. Natuwa talaga ako nun kasi hindi ako sumunod sa instructions ng term paper, kulang yung requirement ko sa church service, at talagang basura yung mga report namin, at ito 4.0 pa nakuha ko. So dalawa na 4.0 ko na course card.

Nagkita-kita kami sa SJ courts kung san nagbabasketball sila Elson, Kevin, Sam, Waki, atbp. (Sorry, di ko na maalala) Hindi naman ako gaano nagstay dun, pero nagulat ako nung nalaman ko na 1.5 lang ako sa NSTP-C2. So what kung 1.5, pero para sakin big deal yun kasi babay DL ibig sabihin nun. Medyo di ko muna pinansin yun kasi ENGLCOM time na, isa pang subject na pinangangambahan ko.

Nung course card ko sa ENGLCOM (Basic Cmmunication Skills), nakakuha ako ng 3.0, malaking tuwa na yun sakin. Mabait talaga si mam englcom (a.k.a. nuestra senyora, men-o-pause, kulot, sto. nino, reflector, NAIA 4, at iba pang names na tinatawag sa kanya) kahit na masungit siya. Medyo nawalan ako ng pakialam sa PE nun kahit na yun ang naging dahilan ng aking pagkawala sa DL. Biruin mo 1.5 lang ako sa PE! Pero mabuti na yun kesa naman 0.0 kasi dahil sa conflict sa DASALGO exams. Pagkatapos nito, derederetcho sa SJ para kuhanin yung CCSCAL1 (Calculus 1) grades. Medyo nakakakaba kasi ito yung isa sa mga medyo delikado sa mga grades ko. Nung pagkakuha ko ng finals medyo napangiti na ako kasi 90 nakuha ko. Nung pagkakuha naman ng course card, tuwang tuwa ako kasi nakuha ko yung higher than expected kong grade. Naka-3.5 ako! Sa mga oras na to, naramdaman ko talaga ang grasya galing sa Diyos. Thank you Lord!!!

So yung sa NSTP-C2 wala na talagang magagawa dun pati sa PE. Tambay muna kami sa gox lobby. Si Kevin naman, may pasabog! Hindi ko na sasabihin dito pero malungkot, sadyang nakakalungkot. Kevin kung nabasa mo ito, ang masasabi ko lang, "Bakla ka ,,l,, Aboooout."

So move on na sa DASALGO (Data Structures and Algorithms). Dito medyo na astound ako sa paggrade samin sa MP hahaha kasi sa ibang group non-working MP nila tapos mas mataas pa yung nakuha nila kesa samin na fully working hahahaha. Pero ayos lang kasi 3.0 naman. Eh, ayun umalis na yung iba, yung ilan pumuntang RP, yung iba umuwi na. So kami nila Paolo, Shaun, at labs naiwan na sa gox lobby. Ayun usap usap tapos iniwan ako ni labs >.< So kinuha ko na lang yung mga course card namin sa CCSTRIG (College Trigonometry), then ayun medyo masaya kasi naka-4.0 (medyo expected) tapos nakakalungkot din kasi may bumagsak samin. Dahil yun din ang huling course card namin, nanghinayan din ako kung bakit di ko pa pinaglaban yung PE grade ko. Pero ayos lang kasi magaling si God!

Ayos na rin yung grades ko, bawing bawi na yung mga bagsak ko, wala nang accumulations! So 3.3421 yung GPA ko, sinira lang ng PE grades ko >< At Kevin, walang kalimutan, coz it's all abooooooout friendship hahaha. OK, see' ya next term!

No comments: