2008-08-23

FEU vs. DLSU

Hayyyz, what a TIRING day!~

Una, nagpapasalamat ako kay Lheez, Greggy at kay Otan sa pagkumpleto ng araw ko. Grabe talaga saya ng bonding moments natin hahaha!~ Kay Lheez, kung hindi siya sasayaw para sa halftime, edi sana nandito lang ako sa kwarto nagmumukmok. Kay Greggy na walang magawa ngayong araw at walang pagdadalawang isip na sumama sakin papunta ultra. At, kay Otan, na siya namang tinanggap ang aking imbitasyon dahil lang kay Lheez ^ ^.

Ito ang pangalawang pagkakataon ko na manuod ng isang UAAP men's basketball game (yung aking una ay nung UE vs. DLSU), ngunit hindi para sa school ko, para kay Lheez. Si Lheez ay isang cheerer ng FEU na O2Jammer (kalaro sa O2Jam) at lagi kaming magkasama tuwing weekdays ng gabi kapag bored kami. Dahil sa mga "boring weekday nights" na yun, nabuo ang aming closeness (eh, araw araw ba naman magkita O_o).

Eh magkalaban yung schools namin nung game na iyon, I decided na suportahan muna si Lheez kasi she's my friend, tsaka wala naman akong kasama na tiga-DLSU. Dun kami nakaupo sa side ng FEU kasama nila Otan at Greg. Na-OP ako sa kapaligiran ko, since ang puso ko nasa DLSU parin hahaha. Ayun so para akong tanga nagchcheer for DLSU sa side ng kalaban. Then sinuportahan namin si Lheez for the halftime.

Grabe, nakakatense ang laban ng FEU at DLSU, kasi laging lamang yung FEU, then mahahabol ng DLSU, then lalamangan nanaman ng FEU. I admit that ang galing ng pinakita na game ng FEU. Then, nanalo ang FEU with 83-75 score.

After the game, nagpunta kami sa SM Megamall to eat supper, at pinagkwentuhan yung mga bagay during the game, from the UST vs. NU game til the moment we left ultra.

Here are the pics that I have taken during the day::

FEU vs. DLSU Aug. 28, 2008